top of page

INA, WALANG IBA

  • Marry Joy Eria Arminal
  • Apr 21, 2017
  • 1 min read

Huling beses na ako'y iyong nakita Ika'y nagpupumiglas habang nakahiga Tila may nais kang sabihin Ngunit naintindihan ko na sa isang tingin Napayuko ako Tumulo ang luha ko Puso ko'y patuloy na sumisigaw Maaaa 'wag ka munang papanaw Hawak ang mga kamay mo Patuloy pa rin ang daloy ng luha ko Kinakalma ka, Habang patuloy kang lumalaban Ma Nakatulugan ko ang pagkalma mo, Hawak pa rin ang mga kamay mo Paggising ko'y puno na ng tao ang iyong kwarto Wala kana palang pulso Words and photo by: Marry Joy

Comentários


bottom of page